Nagbabala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon at Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office (SPTCAO) hinggil sa mga hindi awtorisadong indibidwal o grupo na humihingi ng pera  sa pangalan ng Kasanggayahan Festival Organizing Committee.

Kung saan nabiktima ng halaga ang ilang mga negosyante sa Sorsogon ayon sa report.

Kinondena ng SPTCAO ang pekeng aktibidad na ito, at ang sinumang mahuling gumagawa nito ay haharap sa mga konsekwensiyang legal.

May mga ulat na natanggap ang SPTCAO na nagpapatunay na may mga taong ginagamit ang nalalapit na Kasangayahan Festival para maka pang loko. Ito ay isang SCAM!

Maari kayong mag-ulat ng mga kahinahinalang aktibidad sa KFest 2023 Marketing and Promotions sa pamamagitan ng 0956-577250 o 09760700738, o mag-email sa tourism@sorsogon.gov.ph.

Sa advisory ng SPTCAO, sinabi nito na maging maingat at tanging awtorisadong ahensiya para sa promosyon at partnership ng Kasanggayahan Festival ay ang Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office makipag-unagyan.

Ang anumang opisyal na sponsor o partnership na kaugnay sa festival ay dapat may kasamang opisyal na sulat na may pirma mula sa awtorisadong opisina, kasama dito ang Memorandum of Agreement at Certificate of Acknowledgement.

Nagpapasalamat din ang SPTCAO sa kooperasyon ng publiko upang mapanatili ang integridad ng Kasangayahan Festival 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *