May 11, 2024

Bicol Express News

Your Voice ● Your News ● One Nation

Kamikazee pinalayas sa Sorsogon, ₱1.8M sinayang ni Gov. Hamor

Photo from Kamikazee FB page

Halos umabot sa 1.8 milyong piso ang talent fee para sa bandang Kamikazee ang sinayang ni Sorsogon Governor Edwin Hamor ito’y matapos hindi na pinag-perform sa Concierto sa Casiguran dahil umano sa pagiging bastos.

Ayon sa gobernador, ayaw niya na binabastos ang mga Sorsoganon at hindi siya ayon sa pinirmahang kontrata.

Sinabi ng opisyal na ready na at simple lang ang gagawin na kasabay sa kontrata ang magpa picture sa 16K Blue Roses yung Kamikazee.

Ito ang sabi umano ng road manager at sinabi ng gobernador na naiyak pa ang manager sa nangyari. Kung saan kailangan lang e-comply ang nasa kontrata na magpa picture sa 16K Blue Roses at hindi nila ito tinupad at hindi bumaba sa van.

16K Blue Roses at Casiguran Pier. Bicol Express News photo

Ayon sa gobernador, bayad ang Kamikazee bago pa sila mag perform o tumugtog na nagkakahalaga ng P1.8 milyon para sa performance sana kagabi (October 1, 2023).

Sa impormasyon, ito’y personal na pera ng pamilya ni Gob. Boboy.

Dahil doon nagdesisyon ang gobernador na hindi na sila pag performin at naisip nito na pauwiin nalang papunta ng Manila at diretso na sa airport ng gabing iyon at hindi na nito pinabalik sa hotel (Recidencia Del Hamor) ang banda at pinahatid na sa Bicol International Airport.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na opsiyal na pahayag ang bandang Kamikazee at bukas ang Bicol Express News sa anumang pahayag ng banda.