February 25, 2024

Bicol Express News

Your Voice ● Your News ● One Nation

Filmmaking at Media Development Workshop isinagawa ng mga Guro, Artista at Manggagawang Pangkultura sa Sorsogon City

Mga estudyante na nasa location shoot gamit ang kanilang mga mobile phones bilang aplikasyon ng kaalaman mula sa workshop.

Sorsogon City– Inilunsad ng mga Guro mula sa Abuyog National High School sa lungsod ng Sorsogon ang isang Filmmaking at Media Development Workshop mula Disyembre 8-9, 2022, katuwang ang mga Artista at Manggagawang Pangkultura mula sa Kurit-Lagting Art Collective at Concerned Artists of the Philippines Bicol Chapter (CAP-Bicol).

Sa pagbubukas ng programa ng nasabing workshop nitong Disyembre 8, 2022 na pinamagatang PAGSID-IP (To look or examine): A workshop on Filmmaking at Media Development , sinabi ni Edgardo Bungcag, punung-guro ng Abuyog National High School na isa ito sa paraan upang magkaroon ng kamalayan at matuto ang mga kabataan na maging kritikal sa kanyang paligid.

Nagbibigay ng introduksyon ng workshop si Joseph Bausa, guro sa Abuyog National High School

Ayon naman kay Bibeth Orteza, isang manunulat, aktres, direktor at kasalukuyang pinuno ng Concerned Artists of the Philippines (CAP), ang workshop na ito ay matuturuan ang mga kabataan na gumawa ng mga pelikulang may saysay sa lipunan.

“Magbabalangkas din ng isang online lecture ang aking asawa na si direktor Carlos Siguion Reyna para sa mga participants ng Pagsid-ip kung magkakaroon ng isa pang workshop sa susunod na taon,” aniya.

Para naman sa mga guro na sina Joseph Bausa, Ma. Jean Mandap, at Divina Esllera, ang ganitong workshop ay mas nahuhubog at napapayabong nito ang imahinasyon ng mga kabataan upang mas mapaunlad nila ang kanilang mga kakahayan.

Ang mga nagsilbing tagapagsalita sa nasabing workshop ay sina Maricar Ocleana at Gerald Jintalan na kapwa miyembro ng Kurit-Lagting at CAP Bicol. “ Nakakatuwa na may ganitong inoorganisa sa mga eskwelahan para mas lalong maging mapanuri ang lente ng mga kabataan sa pagpapahayag ng kanilang kaalaman sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula,” saad nina Ocleana at Jintalan.

Mga estudyante na nasa location shoot gamit ang kanilang mga mobile phones bilang aplikasyon ng kaalaman mula sa workshop.

“Mula sa basic shooting, paggamit ng camera, pag-edit gamit ang apps at mga techniques sa pagsusulat ng script, ay mahalagang elemento sa paggawa ng pelikula na nakaugnay sa artikulasyon ng pambansang kamalayan,” dagdag naman ni Dagdag ni Geri Matthew “Choi” Carretero, Art Director

Nagbigay din ng pagkilala ang grupo sa batikang direktor at pambansang alagad ng sining na si Lino Brocka na tubong Sorsogon at siyang tagapagtatag ng CAP.

Ipinalabas din ang isang tribute video para sa character actor at stuntman na si Alexander Flores Despi na nagmula din sa Sorsogon.

Sa pagsasara naman ng workshop nitong ika-9 araw ng Disyembre, nagbigay ng maikling mensahe si Prof. Marigrace Carretero, adviser ng Kurit-Lagting Art Collective.

Sa Pebrero 2023, ipapalabas ang mga output ng mga dumalo sa nasabing workshop sa pagdiriwang ng National Arts Month. Makikita ang mga larawan ng workshop sa link na ito:

Maaari ring bisitahin ang facebook pages ng Kurit-Lagting at CAP Bicol para sa karagdagang impormasyon.