Dagdag na pahirap sa commuters, lalo na sa mga estudyante ang pagbalik ng ‘window hour’ ng mga mini-buses sa sentro ng Sorsogon City at mas lalong pahirap ang ‘ruta-ruta’ ng mga tricycle sa lungsod ng Sorsogon.
Ang mga mini-buses at jeepney’s ay makakapasok lamang sa sentro ng lungsod hanggang alas otso (8:00 am) ng umaga at alas kuatro (4:00 pm) naman sa hapon, bagay na kinontra ng mga mananakay, lalo na ang mga estudyante.
Doble gastos sa pamasahe, bagay na ikinalungkot lalo na ang mga magulang ang sapilitang pagbabalik ng city government ng ‘window hour’ o eskedyul ng pagpasok ng mini-buses at jeepney’s sa sentro ng lungsod.
Sa impormasyon, walang karampatang ordinansa ang naturang kautusan, kung kaya’t ito’t iligal at dapat lamang na ipatigil.
Samantala, dagdag din na pahirap sa commuters ang ‘ruta-ruta’ ng mga tricycle, kung saan hindi na papayagan ang ibang tricycle an pumasok sa hindi nila ruta.
Bagay na ikinalungkot at ikinainis ng karamihan dahilan hindi naman kayang serbisyuhan ng mga tricycle ang kanilang ruta.
Inihalimbawa dito sa panahon ng rush-hour na halos walang masakyan ang mga estudyante at iba pang commuters.
Isa pang nakaapekto, ang pagpatupad ng number coding sa mga tricycle, na nagkakaroon ng kakulangan sa mga nagbibiyahe.
Hindi ito ang solusyon ayon sa mga commuters, kundi dagdag na pahirap sa mga mananakay.
More Stories
Sorsogon has booming economy – PSA
Sorsogon City legal officer quit post, laments unscrupulous city employees
Sorsogon City’s Barangay Pamurayan benefits from collaborative outreach