Matatanggap ng mga empleyado ng Sorsogon I Electric Cooperative, Inc. (SORECO I) ang umento sa sahod ngayong buwan ng Nobyembre 2023,
Ito’y matapos na aprubahan ng National Electrification Adminstration (NEA) ang Soreco I Board Resolution No. 01, series of 2023 sa pagpapatupad ng buong salary scale para sa mga empleyado at opisyal alinsunod sa inaprubahang SORECO I reorganization.
Sa sulat ni NEA Administrator Antonio Mariano C. Almeda sa Board of Directors sinabi nito, na inaprubahan ng NEA ang adjustment ng sweldo ng mga empleyado sa pamamagitan ng karagdagang 25% sa dating 50% ng pagtaas batay sa 2015 NEA salary scale para sa extra-large Electric Cooperative (EC), epektibo noong Setyembre 1, 2023.
Kung kaya’t makakatanggap ng dalawang (2) buwang Salary Differential ang mga empleyado ng kooperatiba para sa buwan ng Setyembre at Oktubre 2023.
Matatandaan na taong 2015 pa inaprubahan ng NEA ang reorganization at salary adjustment ngunit 50% pa lamang ang naibigay sa kanila.
Ayon sa ilang empleyado ng kooperatiba, bagamat 25% lang ang naibigay na karagdagang sahod sa kanila, ito’y malaking bagay na rin lalo na sa tumataas na presyo ng mga bilihin at gastusin.
Inaasahan nila sa sa darating na taon ay maipapatupad na ang kakulangan na 25% o full salary increase.