Bicol artists joined the protest against “rapist tagging” of teachers by the Sorsogon police and City Government’s anti-rape campaign, “Oplan Kontra Lupig”.
The Concerned Artists of the Philippines Bicol Chapter (CAP- Bicol) condemns the inclusion of teachers as “possible rape suspects” in the shortlist of the anti-rape campaign.
CAP-Bicol said the singling of teachers as “possible rape suspects” is irresponsible, demanding apology from the Sorsogon City Police Station and Sorsogon City Advisory Council.
Earlier, teachers group, ACT-Bicol, protested, demanding apology.
CAP-Bicol said teachers deserve the highest respect.
– – – –
OPISYAL NA PAHAYAG NG CAP BICOL sa kampanyang “Oplan Kontra Lupig” ng Sorsogon City Police Station at Sorsogon City Advisory Council
Ang mga guro, kasama ng mga artista ng bayan at manggagawang kultural, kaisa pati ang mga batayang sektor, ay kabilang sa labis na naapektuhan ng pandemya dahil sa kakulangan ng ayuda, mababang sweldo, at lubos na nahihirapan sa paggawa ng module kasama ang pagsasagawa ng online classes maitawid lamang ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Maliban sa mga nasaad, ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang, tagapagtanggol, at mga pinagkakatiwalaan ng ating mga mag-aaral. Sa pag dawit sa nasabing sektor sa ganitong aktibidad, inilalagay sa alanganin ang kredebilidad at katauhan ng ating kaguruan. Naniniwala ang aming hanay na hindi ito makakatulong sa paglutas ng suliranin ng pang-aabuso. Sa halip, aming iminumungkahi na seryosohin ng ating mga kapulisan ang mga natatanggap nilang mga oryentasyon at mga pagsasanay sa usaping SOGIE, VAWC, at GAD.
Bilang mga alagad ng edukasyon, ang ating mga kaguruan ang sumusuong at tagatanggap ng araw-araw na hamon ng pandemya. At ang hakbanging ito ng ating kapulisan ay delikado at isang pagyurak at pagyapak sa mga naging ambag ng mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang natin na humuhubog sa talas ng kaisipan at kamalayan ng mga kabataan na gumagabay sa kanila na maging isang mabuting miyembro ng lipunan. Walang artista, manggagawang kultural, doktor, nars, inhinyero, at iba pang propesyon kung wala ang ating mga kaguruan.
Kung tutuusin, mas marami pang kaso ng pang-aabuso hindi lamang panggagahasa pati na rin ang red-tagging, paghuli at pagpatay sa mga kabataan at mga miyembro ng mga progresibong organisasyon ang ginagawa ng mga nasa ibang hanay at siguradong hindi ito sa linya ng mga guro. Kahiya-hiya ito sa hanay ng kapulisan sa Sorsogon na ang responsibilidad sana ay protektahan ang komunidad laban sa krimen ngunit ang ganitong paamamahiya at pagtukoy sa mga guro bilang posibleng salarin sa kaso ng panggagahasa ay walang basehan at walang ibang hangarin kundi sila ay markahan bilang mga “kriminal”.
Di maibabalik sa kapulisan ang tiwala ng mga mamamayan kung may ganitong uri ng kampanya laban sa mga kaguruan at iba pang posisyong nabanggit kung mismong sa hanay nila ay hindi kaaya- aya ang record. Di bat mas nararapat na suklian natin ng paggalang at pagbibigay pugay ang mga guro imbes na isama sila bilang isa sa mga posibleng salarin sa kampanyang ito?
Kaisa ang CAP Bicol sa paggigiit ng karapatan ng mga kaguruan at iba pang propesyon laban sa pamamahiya sa kampanyang ito ng kapulisan. Humihingi ang publiko ng nararapat na kapaliwanagan at pananagutan hindi lamang public apology mula sa Sorsogon City Police Station at Sorsogon City Advisory Council sa programa nilang Oplan Kontra Lupig ngayon na!