Pumanaw ang 73 taong gulang na lalaki dulot ng COVID-19 virus sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa huling ulat ng Provincial Health Office (PHO).
Nagpaabot ng pakikiramay si Governor Chiz Escudero sa pamilya ni Virgilio Silva Ella mula sa Cawit Proper, bayan ng Magallanes. Si Ella na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 5202 ang ika-27 na kaso ng pagpanaw sa lalawigan.
Ayon sa ulat, unang na-admit si Ella sa isang pribadong ospital dahil sa lagnat, hirap sa paghinga at panghihina ng katawan noong March 22, 2021 at nakuhanan ng swab sample kinaumagahan at nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong March 25, 2021. Pumanaw si Ella noong Abril 1, 2021.
Si Ella ay asawa ni Dra. Irene Ella isang medical staff ng Casiguran Rural Health Unit.
Kinilala naman ni Governor Chiz Escudero ang mga nagpositibo na sina Patrick James Paras Esteves, 27 taong gulang ng Pangpang; Malette Detera Balute, 42 taong gulang ng Buhatan, parehong mula sa lungsod ng Sorsogon; Sarah Escandor Espineda, 37 taong gulang ng Panganiban; isang 43 taong gulang na babae mula sa Bulacao at isang 18 taong gulang na babae mula sa Pinontingan, lahat mula sa bayan ng Gubat; isang 15 taong gulang na babae mula sa Central sa bayan ng Casiguran at Diomedes Dichoso Goboleo, 61 taong gulang ng Managanaga sa bayan ng Bulan.
Si Balute na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 5438 ay isang frontliner samantalang sina Espineda at Goboleo na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 5440 at 5454 ay parehong government employees.
Si Esteves namam ay nakarehistro bilang Bicol Patient No.5453.
Ang dalawang nagpositibo mula sa bayan ng Gubat na hindi na pinangalanan at nakarehistro bilang Bicol Patient No. 5439 at 5441 ay parehong close contact ni Bicol Patient No. 5331, samantalang ang menor de edad na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 5442 ay may travel history sa lungsod ng Albay.
Pinahintulutan namang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan sina Nora D. Espenido, 48 taong gulang ng Manjunlad sa bayan ng Matnog; Lucilo Emilio G. Hapal, 30 taong gulang ng Pangpang; Rae Marlen A. Amancio, 29 taong gulang ng Cabid-an at Genalin H. Jalmanzar, 48 taong gulang ng Burabod, lahat mula sa lungsod Sorsogon.
Nakapagtala naman ng 45 na negative swab results ang lalawigan ngayong araw.
Kasalukuyang may kabuang 765 na kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Sorsogon, kung saan 69 nito ay aktibo, 669 ang naka-recover at 27 ang pumanaw sa sakit na dulot ng COVID-19 virus. (reports from SPIO)