Supreme court of the Philippines. Photo from SC

Pinatawan ng Korte Suprema, sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, ng isandaang libong pisong (₱100,000.00) multa ang abogadong si Nilo T. Divina dahil sa pagsagot nito sa mga gastos sa byahe ng mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Central Luzon.

Sa isang anonymous letter, inakusahan si Atty. Divina ng pag-sponsor ng mga byahe sa Balesin Island Club sa Quezon noong 2022 at sa Bali, Indonesia noong 2023. Bahagi umano ito ng kanyang “illegal campaigning” para mahalal bilang IBP-Central Luzon Governor. Namigay pa umano sya ng daan-daang libong cash at gift check.

Itinanggi ni Atty. Divina na nangampanya siya pero hindi niya itinanggi ang pagsagot sa gastos ng mga byahe, na bahagi lang, ayon sa kanya, ng kanyang pagiging mapagbigay sa mga kapwa abogado.

Pero para sa Korte Suprema, hindi nararapat ang ginawa ni Atty. Divina dahil magkaka-utang na loob umano ang mga nakinabang, na pawang mga opisyal lang ng IBP at hindi mga miyembro nito. Makukwestiyon din ang integridad ng mga IBP officers.

Kasamang napatunayang lumabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) ang anim na iba pang abogado.

Sa kabila nito, wala umanong nilabag si Atty. Divina sa mga patakaran ng IBP hinggil sa eleksyon.

Ipinag-utos naman ng Korte na ituloy na ang eleksyon para sa IBP-Central Luzon governor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *