Halos 80 pasahero ng mga colorum na sasakyan papunta ng Bicol Region mula sa National Capital Region (NCR) ay positibo sa COVID-19, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa opisyal na pahayag ng DOTr, 12 sasakyan ang namamasada na walang prangkisa ang nahuling may sakay na pasahero papunta ng Bicol. Pito dito ay positibo sa COVID-19 na agad dinala sa isolation facilities.
Ayon sa Bicol Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), 79 indibidwal na nagbiyahe lulan ng mga colorum na sasakyan ay nagpostibo sa nasabing sakit.
Sinabi ng otoridad na nagpapa book online sa social media ang mga pasahero sa mga iligal na sasakyan o transport vehicles at kung fully booked na ito ay pipik-apin na sa kanilang bahay.
Pinanawagan ni DOTr Sec. Arthur Tugade sa mga drayber na tigilan ang ganitong operasyon.
DOTr Sec. Arthur Tugade called on drivers of such vehicles to stop such operations.
“Hindi ho tayo uusad sa ating laban kontra sa COVID kung tahasan nating nilalabag ang mga quarantine protocols. Isantabi muna natin ang pansariling interes para isalba ang buhay ng nakararami,” ayon kay Tugade.
Nakapagtala ang DOH ng mahigit sa 12,000 kaso ng COVID-19 nitong Linggo. Pangalawang araw sa may pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa boung bansa.